Friday, March 30, 2018

I AM NOT A ROBOT


 Yoo Seung- ho as Kim Min-Kyu

I think there are people out there who's like Kim Min-Kyu, the lead character in the story.  The feeling of betrayal lead pushes him to keep a distance from people. Pinili nya mag-isa at mamuhay sa paraang alam nya na malayo sa maraming tao. 


Surely, madaming makaka-relate sa kanya.Yung mga nabigo at patuoy na binibigo ng mga taong itinuring mong kapamilya o di na iba sayo.  I think it's the biggest challenge and burden to ones emotion.  It's a great kilig story! Gwapo ni Oppah Yoo Seung ho!

Plot:
Namatay yung family ni boy, his mother and father, sa isang car accident. Sya na lang ang natira. sa pagkawala  ng kanyang mga magulang, tanging malapit na kaibigan nalang ang natira, yung akala nyang makakaagapay nya sa gitna ng paghihinagpis nya. But in contrary, yung akala nyang masasandalan nya ay yun rin pala ang pilit na tutumba sa kanya. 
May documento na pinapapirmahan sa kanya. Ngunit dahil sa isang sulat, at dahil na rin sa mataas nyang IQ, di sya pumirma. Alam nya kasing di adoption papers yon. Ang masaklap pa, yung tinuring nyang bestfriend ,na anak nung nagpapapirma sa kanya, ay pilit din syang pinapirma.

 Doon nag-umpisa ang pagiging alergic nya sa tao, specifically sa human contact or body contact. Mahawakan lang nya ang kamay or balat ng tao, nagpapantalpantal sya and nahihirapan syang huminga. Pwede rin nya itong ikamatay. 

 Director sya sa isang kompanya  at sya rin  ang largest shareholder. Nakatira rin sya sa isang malaking mansion. Ayaw nya talaga sa tao dahil ikakamatay na ang paglapit dito. Pero dahil sa makabagong teknolohiya nagbago ang lahat. Ang dating mag-isang si Kim Min-Kyu ay may ka bonding na, yung robot na gawa ng Sta. Maria team. 

Isang robot , Android Aji 3 kung tawagin ang pumasok sa buhay at bahay ni Min kyu. Then later on, naging komportable si Min Kyu sa inaakala nyang robot to the point na sinasabi nya lahat ng nararamdaman nya dito. 

Inaakala?

Yep, kasi the whole time tao talaga ang kasama nya hindi na yung Aji 3. Nangkaroon kasi ng aberya sa Aji 3 and that time gusto na ma test ni Min Kyu ang robot. Para di matuloy ang pagbenta sa research team ni Honh Baek Gyun (ex-bf ni  Jo Ji-A and lead researcher inventor ni Aji 3),kinumbinsi nya si Jo Ji-A na magpanggap na robot since sya naman ang modelo ni Aji 3. 

Magkamukha naman sila kaya walang problema. To cut the story short, since yung tao na nagpapanggap na robot ang kasama ni Min Kyu everyday, na attach sya dito an na inlove.  ( tinamad na ko magkwento haha).

Comment down kung may di naintindihan sa kwento. hehe

No comments:

Post a Comment